ENSELADANG PAHUTAN with SALTED EGG

Na-try nyo na ba ang enseladang pahutan?   Well, dapat matikman nyo din.   Yun lang may kahirapan na humanap ng manggang pahutan lalo na dito sa Manila.   Pwede din siguro ang ordinaryong manggang hilaw sa enseladang ito pero iba pa rin talaga ang lasa ng pahutan.

Ginawa ko ang enseladang ito nung magluto ako ng crispy tawilis na ulam namin nitong nakaraang araw.   At para mas mapasarap pa ang aking enselada, nilagyan ko pa ito ng itlog na maalat.

The result?   Nasira na naman ang diet ko.   Ewan ko, pero masarap talaga itong enseladang pahutan na ito sa mga pritong o inihaw na ulam ma-isda man o karne.   Ty nyo din.


ENSELADANG PAHUTAN with SALTED EGG

Mga Sangkap:
1 cup sliced Pahutan
4 pcs. sliced Tomatoes
1 large white Onion chopped
1/2 cup Bagoong Balayan or bagoong isda
4 pcs. Itlog na maalat

Paraan ng paggawa:
1.   Sa isang bowl, paghaluin lamang ang lahat ng sangkap maliban sa itlog na maalat.
2.   Ilagay sa ibabaw ang binalatan at hiniwang itlog na maalat sa ibabaw.
3.   I-chill muna sa fridge bago ihain.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy