CHICKEN and BABY POTATO SALAD
Ito ang isa pang dish na niluto ko nitong nakaraang kaarawan ng pangalawa kong anak na si James. Chicken and Baby Potato Salad.
Favorite ko ang chicken potato salad. Kaya nga basta may pagkakataon ay nagluluto ako. Hinahaluan ko din ito ng cashew nuts para magkaroon ng ibang texture at lasa habang kinakain.
Simple lang ang version kong ito ng potato salad. Ilan din lang ang sangkap na ginamit ko pero punong-puno pa rin ito ng sarap. Ito pa lang a isang busog na sa akin. hehehe
CHICKEN and BABY POTATO SALAD
Mga Sangkap:
1 kilo Baby Potatoes (cut into half)
2 pcs. Whole Chicken Breast Fillet
1 large Carrot (cut into cubes)
2 cups Salted Cashew Nuts
2 cups Mayonaise
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang manok sa isang kaserolang may tubig at kaunting asin.
2. Kapag naluto na ang manok, hanguin ito sa isang lalagyan lutuin naman sa parehong pinagpakuluan ang patatas at carrots.
3. Kapag naluto na ang patatas, hanguin muna sa isang lalagyan at palamigin.
4. Samantala, himayin naman ang chicken breast fillet sa nais na laki.
5. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat na sangkap at timplahan ng kaunting asin at paminta. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng mayonaise ang bawat piraso ng patatas.
6. Ilagay muna sa fridge at hayaang medyo lumamig.
Ihain na medyo malamig.
Enjoy!!!!

Comments