BABY POTATO SALAD with HAM and CASHEW NUTS
Hehehehe...Bumili na naman ng baby potatoes ang aking asawang si Jolly. Ibig sabihin nun ay gusto niya ulit na magluto ako nito.
The last time nanagluto ako nito ay carbonara sauce ang aking ginamit. This time siguro mas masarap kung mayonaise naman.
Chicken breast sana ang aking ilalahok kaso nalimutan kong bumili nito nung mag-grocery kami. Kaya naisipan kong sliced ham na lang ang aking ilagay. At para dagdag sarap sa kabuuan, nilagyan ko din ito ng cashew nuts, celery at carrots. Yummy talaga...hehehe.
BABY POTATO SALAD with HAM and CASHEW NUTS
Mga Sangkap:
1 kilo Baby Potatoes (hugasan na mabuti at hatiin sa dalawa)
1 pc. Large Carrot (cut into cubes)
2 cup Lady's Choice Mayonaise
300 grams Sweet Ham (cut into small pieces)
100 grams Cashew Nuts
2 cups Chopped Celery (yung tangkay lang)
1 pc. Pork or Chicken Cube
Salt and Pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang patatas at carrots sa isang kaserolang may tubig, kaunting asin at pork o chicken cubes hanggang sa maluto.
2. I-drain at saka palamigin.
3. Sa isang bowl paghaluin ang nilutong baby potatoes, carrots, sweet ham, cashew nuts, celery at mayonaise. Timplahan na din ng kaunting asin at paminta.
4. Haluing mabuti.
5. I-chill muna sa fridge bago ihain.
Enjoy!!!!!
Comments