WALDORF SALAD

Ito ang isa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan naming Noche Buena.   Waldorf Salad.

Nung um-attend kasi ng Christmas party nila ang asawa kong si Jolly, ito ang isa din sa mga pagkain pinagsaluhan nila.   Nag-uwi siya nito sa bahay at nagustuhan ko talaga.   Masarap.  Kaya naman naisipan kong gumawa din nito para sa aming Noche Buena.

Akala ko noong una sa Germany ito nag-origin.  Kasi parang German ang pangalan...hehehehe Pero nung i-check ko ito sa Google, sa New York pala ito nag-simula.   Sa Waldorf Astoria Hotel.   Sa original recipe, fresh apple, walnut, celery at mayonaise lang ang mga sangkap nito.   Pero habang nagtatagal ay nadagdagan na din ito ng chicken o turkey, ubas at iba pa.

Try nyo din po.  Ayos na ayos ito para sa inyong Media Noche.


WALDORF SALAD

Mga Sangkap:
8 pcs.  Red and Green Apples (cut into cubes)
300 grams Chicken Breast (boiled then cut into cubes)
1 cup Celery (cut into small pieces)
2 cups Seedless Grapes (cut into half)
4 cups Mayonaise
1 cup Toasted Walnut
Romaine Lettuce
1/2 Lemon
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Pakuluan ang chicken breast sa tubig na may kaunting asin at paminta.   Palamigin at hiwain ng pa-cubes.
2.   Hiwain ang mansanas ng pa-cubes at ilagay sa tubig na may kaunting suka.   Gawin ito para hindi mangitim ang mansanas.
3.   Sa isang bowl paghaluin ang lahat ng mga sangkap at pigaan ng katas ng lemon.
4.  Timplahan ng kaunting asin at paminta.
5.   Huling ilagay ang mayonaise at haluing mabuti.
6.   Ilagay muna sa fridge bago ihain.

Ihain sa isang lalagyang may romaine lettuce.

Enjoy!!!


HAPPY NEW YEAR sa LAHAT!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy