CRISPY CHICKEN THIGH FILLET with HONEY-LEMON-BUTTER GLAZE


Basta Fried Chicken it's always a treat para sa aking 3 anak.   Kaya naman laging nasa menu ko ito basta ako ay namamalengke.   At para hindi naman sila magsawa, nilalagyan ko ito ng iba't-ibang flavor.    Flavor sa pang-marinade sa chicken o kaya naman ay sa sauce na ilalagay.   Minsan din in both.

Tamang-tama nang makabili ako sa supermarket nitong chicken thigh fillet.   Maganda kasi ang cut nito at tamang-tama din yung balat na naka-kabit sa laman.   Sa isip ko, tamang-tama ito sa dish na ito na aking gagawin.   At yun na nga, isang masartap na Crispy Chicken Thigh Fillet with Honey-Lemon-Butter Glaze ang kinalabasan.


CRISPY CHICKEN THIGH FILLET with HONEY-LEMON-BUTTER GLAZE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet
1 pc. Lemon (get also the zest)
1 cup Flour
1 cup Cornstarch
1 cup Honey Bee
2 tbsp. Brown Sugar
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Red Onion (chopped)
1/2 cup Melted Butter
Salt and pepper to taste
Cooking oil for Frying

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang manok sa katas at zest ng lemon.  Timplahan din ng asin at paminta.   I-marinade ito ng overnight.
2.   Ilagay ang minarinade na manok sa isang plastic bag kasama ang harina at cornstarch.  Alug-alugin ito para ma-coat ng breading ang bawat piraso ng manok.   Itabi yung pinagbabaran ng manok.
3.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan o bandehado.
4.   For the glaze:   Sa isang sauce pan o non-stick na kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
5.   Sunod na ilagay ang pinagbabaran ng manok (katas ng lemon), brown sugar at pure honey bee.  Halu-haluin at hayaang kumulo.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng piniritong chicken fillet or maaring ibalik sa kawaling may sauce ang piniritong manok at saka halu-haluin

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy