BIRTHDAY DINNER with MY LOVE ONES

It was my 46th Birthday last September 12, hindi katulad ng mga nakaraan kong kaarawan, hindi ako naghanda for this year.   Nag-pancit lang ako para almusal namin that day at yun na yun.   Hindi ba nga medyo dumadaan ako sa isang pagsubok sa aking kalusugan at sa aking finances?   Salamat sa aking asawang si Jolly at pinakain niya kaming mag-aama ng isang espesyal na hapunan.

Hindi na kami lumayo pa.   Sa isang bagong mall malapit sa aming tahanan kami nagpunra.   Hindi ko na babanggitin pa yung mall at baka sumikat pa.   Hehehehe.   Bago kami kumain ay nag-ikot-ikot muna kami at pumili kung saan nga kami makakapaghapunan.   At napili na nga namin ang Mann Hann Restaurant.

Halo ang mga food na sine-serve nila.   May Pilipino, Japanese, Chinese at iba pa.   Ang maganda pa dito, reasonable yung presyo nila at madami ang serving.


Favorite naming lahat ang pork siu mai.   Wow!  Pagkalapag na pagkalapag pa lang ay kagulo na.   Hehehehe

Syempre, mawawala ba ang rice o kanin sa hapag?    Yang Chao Fried Rice ang sagot dyan.

Nag-order din kami ng Lechon Macao na halos pareho lang ng ating Lechon Kawali.   At Mang Tomas ang sauce na kasama ha?   hehehehe

Gusto din namin nitong Beef Broccoli.   Yummy at malambot talaga ang karne.

Request ng mga bata itong Prawn Tempura.   Ang lalaki ng prawn na ginamit.  Ok na ang isang piraso sa siang tao.

Hindi na kami nag-dessert at busog na ang lahat a aming mga pinagsaluhan.

Umuwi kaming masaya at busog ang mga tiyan.   Hehehehe

Sana next year will be a different story.   Gusto ko rin kasi yung nagpapakain sa mga kaibigan.   I know...I know...this is temporary....in Gods will.

Amen.

Comments

Anonymous said…
Sir, I've been praying for you too. I know the feeling of being burdened with health and financial problems. Right now, my financial state is not too good din. Ang hirap, kakaisip po talaga. Let us just pray that all of what we are going through will be over real soon. Thank you po and a very happy birthday again!....Mommy Marie
Dennis said…
Salamat Mommy Marie.....yes kailangan ko po ng prayers ninyo.....wala po talaga tayong maaasahan talaga sa ganitong mga pagkakakataon kundi si Lord. Thanks again - Dennis
Dennis said…
Salamat friend...Uy lagi akong nagbi-visit sa blog mo ha....Mainam naman at palagi nang may update.

Regards

Dennis
Anonymous said…
Happy bday p kuya dennis lagi ko binivisit ang blog nyo for menu ideas.i hope and pray po na malampasan nyo ang mga medical & financial challenges nyo.Take care and God bless po.

Your fan from Las Vegas
Dennis said…
Salamat kaibigan.....please continue to pray for me....Siya lang talaga ang makakapitan natin sa mga ganitong panahon.

Regards,

Dennis
Belated Happy Birthday. Malaking tulong po sa akin ang blog nyo sa pag-iisip kung ano ang lulutuin sa araw araw. Nauubusan na kasi ako ng mga menu. Thanks for always posting new and different kinds of dishes. Wish for your good health. God bless.
Dennis said…
Salamat White Lace sa iyong nakaka-inspire na message. Hayaan mo patuloy akong magsisikap na mabigyan pa kayo ng mga bagong recipeso kahit na yung mga luma na na lalagyan pa natin ng twist. Please paki-share na lang din itong blog kong ito among your friends and relatives. Paki-click na din yung mga ADS for extra points on my part. thanks again - dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy