SHANGHAI BISTRO @ PASEO CENTER Makati

Dahil sa gift check na bigay sa akin ng kumpanyang pinapasukan ko ang Megaworld Corporation, nagkaroon ulit kami ng pagkakataon ng aking pamilya na makapag-dinner sa Shanghai Bistro sa Paseo Center sa Makati.

Ang Shanghai Bistro ay isang Chinese restaurant na nagse-serve ng mga authentic na chinese dishes na nagmula pa sa Shanghai China. Ang pagka-alam ko, galing pa mismo ng China ang kanilang mga Chef at talagang authentic ang mga dishes na sine-serve nila dito.

Ilang beses na din ako naka-kain dito. At bawat pag-bisita ko ay talaga namang satisfy ako sa aking mga nakain.

Una naming in-order ay itong Pork and Shrimp Siu Mai. P105 ang per order nito (medyo may kamahalan). Apat na order ang aking kinuha komo paborito ito ng aking mga anak at asawa.

Ang larawan sa itaas ay Suckling Pig Combination. Mayroon itong slices ng pork, beef, century egg, seaweeds and ofcourse yung suckling pig nga. Masarap ito. Lahat nagustuhan ko.

Next ay itong Beef Brocolli. Sabi ng nag-serve sa amin, ito daw ang best seller nila. Masarap naman talaga. Malambot ang baka at malasa ang sauce. Tamang-tama din ang luto ng brocolli.

Syempre hindi mawawala ang fried chicken para sa mga kids. Itong Crispy Fried Chicken Wings ang in-order ko. Masarap pati na rin yung sweet chili sauce.

Hindi mawawala syempre ang Yang Chow Fried Rice. Malasa at kahit ito lang ay kumpleto na ang kain mo.

Lahat kami ay nasiyahan sa aming dinner na ito. Salamat muli sa Megaworld for the GC. Hehehehe.

Ang total bill ay inabot din ng P1,920. Ofcourse mahal para sa isang dinner for 5 person. Pero kung paminsan-minsan lang naman at para naman sa mahal natin sa buhay, sulit na sulit ang price na ito. Okay naman din ang place at magagalang naman ang mga nagse-serve. Definitely, ire-recommend ko ang restaurant na ito sa mga mahilig sa mga authentic na Chinese Dishes.

After pala ng dinner naming ito ay nanood kami ng dancing christmas lights sa Ayala Triangle na katapat lamang ng Shanghai Bistro.

Natapos ang gabi namin na busog ang mata at tiyan.

Till next.

Comments

J said…
Parang ang sarap ng siumai, kuya! Miss ko na yan!

Merry Christmas to you and your family!

http://notjustafoodblog.blogspot.com
Dennis said…
Yung siu mai na yun ang binabalik-balikan namin sa Shanghai Bistro J. Masarap talaga. Medyo may kamahalan lang. P105 ang per order. 4 na order nga ang kinuha namin. Hehehehe.
i♥pinkc00kies said…
masarap yung siomai nila w/ quail egg & yung efu noodles with mushroom. gusto kong dessert yung parang mango gelatin nila :D
Dennis said…
Di ko pa na-try yung siu mai nila with quail eggs pinkcookies...sa susunod try ko din yun. Yung sinasabi mong dessert yung naka-mold sa hello kitty? hehehe..mango pudding ata tawag nila dun. Yummy!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy