CABBAGE and EGG DROP SOUP
Natatandaan nyo ba yung Pork Binagoongan dish na niluto nitong mga nakaraang araw? Nung niluto ko ito naparami ang tubig na nailagay ko para palambutin ang karne. Kaya ang ginawa ko, binawasan ko ito at itinabi. Baka kako may mapag-gamitan pa. Sayang naman kasi. Guisado na kasi yun at malasa na din ang sabaw.
Nitong pritong manok ang ulam namin sa bahay, naisipan kong gawing soup ang natirang pinagpakuluan na ito. Ang ginawa ko lang ay pakuluin ito muli at ng kumukulo na ay inilagay ko ang binating itlog. Hinalo ko agad para hindi magbuo-buo ito sa sopas. Huli kong inilagay naman ang ginayat na repolyo at saka ko tinimplahan ng kaunting asin at paminta.
Ang sarap pala ng ganitong klase ng sopas. Simple pero punong-puno ng lasa. Tamang-tama talaga ito lalo na ngayong maulan pa rin ang panahon.
Enjoy!!!!

Comments