TORTANG LUNCHEON MEAT
Sa mga pagkaing ating niluluto para sa ating mga pamilya, itong pang-almusal ang hirap na hirap ako. Nakakasawa na din kasi ang pangkaraniwan nating naihahanda kagaya ng longanisa, tocino, tuyo, hotdogs, ham at iba pa. Isama mo na din ang mga de lata na pagkain kagaya ng sardinas at mga sausages.
Pero para siguro hindi maging boring ang mga pang-ulam sa almusal na ito, mainam na lagyan natin ng twist o ibahin natin ang pagkaluto.
Halimbawa ay itong de latang luncheon meat na ito. Palagi na lang na prito tapos isasawaw sa catsup ang drama nito. Pero bakit hindi natin ito gawing torta o omellet? Sa iba fritters ang tawag dito. Bukod sa iba ito sa paningin ng mga kakain, mas masarap ito at mas marami din ang makaka-kain. Try nyo din po.
TORTANG LUNCHEON MEAT
Mga Sangkap:
1 can Maling Luncheon Meat (cut into cubes)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
1 large White Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
4 pcs. Fresh Eggs (beaten)
1/2 cup grated Cheese
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick kawali igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
2. Isunod na agad ilagay ang hiniwang maling at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin at hayaang maluto ng mga 3 minuto.
3. Sa isang bowl, batihin ang itlog.
4. Isalin sa bowl ng binating itlog ang ginisang lucheon meat at ihalo na din ang grated cheese. Haluin para malubog ang lahat ng piraso sa itlog.
5. Ibalik ito sa non-stick na kawali at hayaang ma-set o maluto.
6. Kumuha ng malaki plato o bandehado at itakip sa kawali at saka baligtarin.
7. Ibalik sa kawali ang niluluto para maluto naman ang kabilang side.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments