SARCIADONG GALUNGGONG: Nag-level Up
Noong araw komo nabibili ng mura ang isang ito, marami bumili nito ang aking Inang. Kapag natitira ang prito nito, nilalagyan niya ng ginisang kamatis na may itlog para maging sarciado naman. Sa version ko namang ito, nag-level up ang sarciadong galunggong. Nilagyan ko pa ito ng dried basil na nakadagdag ng flavor sa kabuuan ng dish. Try nyo din po.
SARCIADONG GALUNGGONG: Nag-level Up
Mga Sangkap:
1 kilo medium size Galunggong
8 pcs. medium size na Kamatis (hiwain ng maliliit)
1 pc. large na Sibuyas (hiwain ng maliliit)
1 ulo na Dinikdik na Bawang
2 pcs. Itlog (batihin)
1/2 tsp. Dried Basil
3 tbsp. Olive Oil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Mantika para pam-prito
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang galunggong.
2. I-prito ito sa mantika hanggang sa maluto at medyo tustado. Ilagay sa isang bandehado.
3. Sa isang kawali o sauce pan, i-gisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil. Lagyan ng 1/2 tasang tubig...halu-haluin at hayaang maluto hanggang sa madurog ang mga kamatis.
4. Timplahan ng kaunting asin, paminta at maggie magic sarap.
5. Huling ilagay ang binating itlog. Halu-haluin
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ibuhos sa ibabaw ng piniritong galunggong ang ginisang kamatis.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments