CHEESY BACON and EGG SCRAMBLED

Yes marunong akong magluto pero sa totoo lang hirap na hirap ako mag-isip basta pang-ulam sa almusal ang gagawin.   Medyo nakakasawa na din kasi yung pangkaraniwan na kinakain natin sa almusal.   Minsan sinubukan kong cereals naman pero ayaw ng mga anak ko at madali daw silang ginugutom.   Sabagay, iba naman talaga kapag kanin ang ating kinain sa almusal.

Hindi ko matandaan kung nakapag-post na ako nitong Cheesy Bacon and Egg Scrambled na ito na almusal namin nitong nakaraang araw lang.   Pero super yummy ang dish na ito.   Pwedeng i-ulam sa kanin o sinangag at pwedeng-pwede din sa tinapay.   Try nyo din po.


CHEESY BACON and EGG SCRAMBLED

Mga Sangkap:
300 grams Smokey Bacon (cut into abount 1/2 inch long)
5 pcs. Fresh Eggs (beaten)
1 cup grated Cheese

2 pcs. Tomatoes (sliced)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. medium size Onion (sliced)
1/2 cup melted Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter.
2.   Isunod na ilagay ang hiniwang bacon.   Halu-haluin at hayaan ng ilang sandali.
3.   Sabay nang ilagay ang grated cheese at binating itlog.
4.   Timplahan ng kaunting asin at paminta at halu-haluin para hindi mabuo.

Ihanin habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy