CHEESEY TORTANG LUNCHEON MEAT
Nabanggit ko sa hotdog dish na post ko na nagiging boring na sa ating mga anak ang mga pang-ulam na inihahanda natin sa ating mga anak. Kaya naisipan kong gawan ito ng twist para maiba naman at hindi maging boring sa paningin ng mga kakain.
Ganun din ang ginawa ko sa luncheon meat na ito. Sa halip na i-prito ko lang, ginawa ko itong torta. Sinamahan ko din ng grated cheese para mas lalong maging katakam-takam. Ang mainam pa nito pwede din itong ipalaman sa tinapay. Tiyak ko na magugustuhan din ito ng inyong mga anak gaya ng pagkagusto ng mga anak ko. Try po ninyo.
CHEESEY TORTANG LUNCHEON MEAT
Mga Sangkap:
1 can (350 grams) Maling Luncheon Meat (cut into small cubes)
4 pcs. Fresh Eggs (beaten)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
1 large White Onion (sliced)
5 cloves MInced Garlic
1 cup grated Cheese
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.
2. Sunod na ilagay agad ang hiniwang luncheon meat.
3. Timplaha ng kaunting asin at paminta.
4. Sa isang bowl batihin ang itlog at isama dito ang ginisang luncheon meat.
5. Isama na din ang grated cheese at haluing mabuti.
6. Sa isang non-stick na kawali maglagay ng 1 kutsarang mantika.
7. Ilagay ang pinaghalong itlog at ginisang luncheon meat. Pantayin ang ibabaw.
8. Kung sa tingin nyo ay luto na ang ilalim, kumuha ng plato na higit na malaki ang bilog kaysa bilog ng kawali. Itaklob ito sa kawali at saka baligtarin ito. Ibalik sa kawali ang nabaligtad na torta para maluto naman ang kabila.
Ihain habanag mainit pa na may kasamang catsup.
Enjoy!!!!

Comments