SCOTCH EGG ala DENNIS
Ang Scotch Egg ay isang dish na nag-origin sa London, England taong 1738. Ito ay gawa sa nilagang itlog na binalutan ng sausage meat o sa atin giniling na baboy at iba pang sangkap. Niluluto ito sa oven at yung iba naman ay piniprito ng lubog sa mantika. Masarap itong snacks o baon sa mga picnic at maging pang-ulam man.
Sa version kong ito ng Scotch Egg, beef burger patties ang aking ginamit na pambalot sa nilagang itlog. May nabasa kasi akong recipe na yun nga ang ginamit. Ang mainam sa burger patties timplado na ito na hindi na kailangan pang timplahan ng kung ano-ano para magawa. Ipambabalot lang ito sa itlog at saka igugulong sa harina, binating itlog at breadcrumbs ay okay na. Kayo na an bahala kung anong sauce ang isasama nyo dito. Para sa akin sweet chili sauce ay ok na. Try nyo din po.
SCOTCH EGG ala DENNIS
Mga Sangkap:
10 pcs. Hard boiled Eggs
20 pcs. Beef Burger Patties
2 pcs. Fresh Eggs (beaten)
2 cups Flour
2 cups Japanese Breadcrumbs
Cooking oil for frying
Paraan n pagluluto:
1. Balutin ng 2 piraso ng burger patties ang bawat piraso ng nilagang itlog. Make sure na hindi litaw ang puti ng itlog.
2. Igulong ito sa harina...pagkatapos at sa binating itlog..at huli naman sa Japanese breadcrumbs. Ilagay muna sa isang lalagyan.
3. I-prito ito sa kumukulong mantika (mga 2 inches ang lalim) hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4. Hanguin sa iang lalagyan na may paper towel.
Ihain na may kasamang gravy, sweet chili sauce o anumang sauce na babagay sa niluto.
Enjoy!!!!!

Comments