AMPALAYA con TUNA


Ano ba ang pwedeng luto sa ampalaya?    Ginisang may itlog, ampalaya con carne, pwede ding isama sa paksiw na isda, pinakbet at marami pang iba.   Pero siguro pinaka-simple na ay yung ginisa at lagyan ng binating itlog.

Hindi marami ang nagkakagusto sa ampalaya lalo na ang mga bata.   Obviously ay dahil sa pait nito.   Pero kung sustansya ang titingnan natin, lalo na kung maysakit ka na diabetis, pipilitin mo talagang kumain nito.   Hehehehe.  

Pero ako, gusto ko itong gulay na ampalaya.   Kahit simpleng luto lang ay winner ito sa akin.   Ayos na ayos itong pangulam kasama ang paborito ninyong pritong isda.   Kaya nga nitong isang araw, kasama ko itong niluto kasama ang pritong galunggong.   At para maging extra espesyal ang ampalaya, nilagyan ko pa ito ng canned tuna.   Mas sumarap ito at parang di mo na din napapansin yung pait ng ampalaya.


AMPALAYA con TUNA

Mga Sangkap:
2 pcs. medium size Ampalaya (slice)
1 small Canned Tuna Flakes (in oil)
2 pcs. Fresh Eggs (beaten)
2 pcs. Tomatoes (slice)
1 medium size Onion (slice)
5 cloves minced Garlic
1/2 tsp. Maggi Magic Sarap
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Hugasang mabuti ang hiniwang ampalaya at asinan pagkatapos.
2.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.
3.   Sunod na ilagay ang canned tuna kasama ang oil nito.
4.   Ilagay na din ang ampalaya at lagyan ng kaunting tubig.   Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.   Takpan
5.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang binating itlog.   Hayaan munang nabuo-buo bago haluin.

Ihain kasama ang inyong paboritong pritong isda.

Enjoy!!!!

Note:   Sabi ng Inang ko noong araw...kapag nagluluto ka daw ng ampalaya dapat nakangiti ka at masaya ang pakiramdam para di daw pumait ang lasa.    hehehehe.  

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy