SMOKED FISH & SALTED EGG GUISADO


The last time na nagluto ako n dish na ito ay nung February 2012 pa.   Nagaya ko lang ito nang minsang mag-breakfast kami sa UCC Coffee sa may Tomas Morato.   Nagustuhan ko ito at naisipan kong i-replicate nga sa bahay.  

And that was 3 years ago at naisipan kong gawin ulit para maiba naman ang aming almusal.   Ang sarap talaga.   Naghahalo kasi yung flavor ng lahat ng mga sangkap.   At madali lang lutuin ha.   try nyo din po.



SMOKED FISH & SALTED EGG GUISADO

Mga Sangkap:
8 pcs. Tinapang Gigi (himayin at alisin ang maliliit na tinik)
5 pcs. Salted Egg o Itlog na Pula (cut into small cubes)
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
5 pcs. Tomatoes (chopped)
2 tbsp. Olive oil
1 tbsp. Liquid Seasoning
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil.
2. Sunod na ilagay ang hinimay na tinapa. Timplahan ng konting asin at paminta. halu-haluin. Hayaan ng ilang minuto para lumasa ang gisa.
3. Sunod na ilagay ang salted egg o itlog na pula. halu-haluin.
4. Ilagay ang liquid seasoning. Tikman at i-adjust ang lasa

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy