FRENCH TOAST ala Dennis
Pangkaraniwang almusal namin sa bahay katulad ng nakakaraming pinoy ang kanin at ulam. Mas mainam na ito para mas mabigat sa tiyan at may panlaban tayo sa lahat ng gawain sa buong mag-hapon. Pero may pagkakataon na nakakasawa na din yung pare-parehong ulam sa umaga kaya naman minsan nagluluto din ako ng sopas o kaya naman ay mga noodle dish.
Nitong nakaraang araw naisipan kong gumawa o magluto naman ng French toast. Basically, ito ay yung tinapay na nilubog sa itlog na may gatas at saka tinoast. Yung iba, medyo matamis yung timpla na ginagawa nila pero ako, konting asin lang at magic sarap ang aking inilagay dahil ite-terno ko ito sa ginisang corned beef. Bukod pa dun sinamahan ko din ng hinog na papaya para mas makumpleto ang aming almusal. Nakakatuwa dahil ubos at humihirit pa ang aking mga anak sa french toast na ito.
FRENCH TOAST ala Dennis
Mga Sangkap:
1 pack Gardenia Loaf Bread
1 small can Alaska Evap (red label)
3 pcs. Fresh Egg (beaten)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Butter
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl batihing mabuti ang itlog kasama ang evaporated milk, magic sarap, asin at paminta.
2. Sa isang non-stick na kawali magpainit ng kaunting butter sa mahinang apoy.
3. Ilubog ang bawat piraso ng loaf bread sa pinaghalong itlog at gatas at saka i-prito. Hayaan ng ilang sandali at saka baligtarin. Lutuin na medyo tustado na bahagya.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments