JELLY PLAN with COCONUT CREAM

Sa unang attempt ko na gumawa nitong Jelly Plan, hindi masyadog maganda ang kinalabasan ng caramel toppings na inilagay ko.  Tumigas kasi ito na parang candy at nang itinaob ko na sa plato ay naiwan pa ito sa bottom ng llanera.   Kaya naman sa pagkakataong ito tiniyak ko na na hindi yun mangyayari.

Ang problema naman hindi ako naka-bili ng evaporated milk para sa dessert na ito.   Nang bigla kong naalala yung custard cake na nabasa ko din sa isa pang food blog na coconut cream ang kanyang ginamit sa halip na evaporated milk.   Tamang-tama at may isa tetra brick pa ako ng coconut cream na gagamitin ko sana para sa maja mais na gagawin ko.

At yun na nga coconut cream sa halip na evap ang aking ginamit at naging mas masarap ito compare sa original na recipe na aking nagawa na.   Try nyo din po.   Masarap at mura lang ang magagastos.


JELLY PLAN with COCONUT CREAM

Mga Sangkap:
1 sachet Mr. Gulaman (Yellow color)
1 big can Condensed Milk (Alaska)
1 tetra brick Coconut Cream or 2 cups Kakang Gata
3 pcs. Fresh Eggs
1 cup Sugar
4 cups Water
For Cramel toppings:
1 cup Brown Sugar
3/4 cup Water

Paraan ng pagluluto:
1.   Una munang gawin ang caramel sauce toppings:   Sa isang sauce pan magpakulo ng 1 cup na brown sugar sa 3/4 cups na tubig.   Hayaang kumulo hanggang sa medyo lumapot ang caramel sauce.   Isalin sa mga llanera o hulmahan na gagamitin.  Ikalat mabuti sa bottom ng mga llanera.
2.   Sa isang kaserola pakuluan ang 4 cups na tubig.
3.   Kapag kumulo na, ilagay na ang condensed milk.  Pwede hinaan na ang apoy.
4.   I-blender ang itlog, coconut cream, asukal at mr. gulaman powder hanggang sa maging pino na ito.
5.   Isalin ang pinaghalong sangkap sa pinakuluang condensed milk at patuloy na haluin hanggang sa medyo lumapot na ito.
6.  Tikman ang tamis at i-adjust ayon sa inyong panlasa.
7.   Isalin ito sa mga hulmahan o llanera na nilagyan ng caramel sauce sa nais na kapal.
8.  Palamigin hanggang sa mabuo ang jelly plan.
9.   Palamigin muna sa fridge bago ihain.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy