EGG CHEESE and PIMIENTO SANDWICH
Bukod sa Pancit Palabok na niluto ko para sa ini-sponsor naming alayan sa Batangas, gumawa din ako n espesyal na sandwich na first time ko lang din na ginawa. Pasensya na pala kung yan lang ang pict na nailagay ko. Hindi na umabot na kuhanan ng picture sa dami ng nag-kagusto. Hehehehe
Ang unang plano ay simpleng egg sandwich lang ang aking gagawin komo maraming itlog sa kanilang lugar. (San Jose is considered as the egg basket of the Philippines). Kaso, nag-object ang aking asawang si Jolly at sawa na daw sa itlog ang mga taga-roon sa kanila.
At naisipan ko na gumawa ng cheese pimiento sandwich. Pero sa palamang ito, nilagyan ko pa rin ng nilagang itlog. Para kasi kakong masarap yung kahit papaano ay may nakakapang laman ang dila mo mula sa palaman. At isa pa, para mas marami ang kalabasan ng palaman. Mga 75 katao kasi ang estimate ko na dadalo sa alayan. Also, para maging mas malasa ang pimiento o bell pepper na ilalahok sa palaman, inihaw ko muna ito para mas tumingkad ang flavor sa kabuuan.
At hindi naman ako nabigo sa kinalabasan. Maging ang aking biyenan ay nagustuhan ito at maging ang lahat ng mga nakatikim. Ubos nga agad. Hehehehe
I-try nyo din po ito. Tiyak kong magugustuhan ng inyong mga kids lalo na ngayon malapit na ang pasukan. Ayos na ayos na pang-baon.
EGG, CHEESE and PIMIENTO SANDWICH
Mga Sangkap:
Loaf Bread
1 bar Cheese (grated)
1 bar Butter (at room temperatue)
3 pcs. large Red Bell Pepper (i-ihaw..alisin yung mga sunog na parte...hiwain ng maliliit)
10 pcs. Hard Boiled Eggs (hiwain o durugin ng maliliit)
Salt and pepper to taste
Paraan ng Pag-gawa:
1. Sa isang bowl pagsama-samahin lang ang lahat ng mga sangkap at haluing mabuti.
2. Tikman at i-adjust ang lasa.
3. Ipalaman sa loaf bread sa katamtamang dami.
Enjoy!!!!
Comments