KARAMBA / KALABASANG OKOY

Gustong-gusto kong umuwi sa aming probinsya sa Bulacan.  Bakit naman hindi?   Dito ko natitikman ang mga pagkain na paborito ko at hindi ko madalas matikman.

Kagaya nitong huling uwi namin bago mag-undas at para bomoto.   Nagkataon na birthday din ng aking pamangkin sa pinsan na si Nynia Althea.  Ipinagluto ng kanyang lola Ineng na akin naman tiya siya ng handa na meryenda.  Pancit palabok, goto, puto, cuchinta at ito ngang karamba na pang-ulam sa goto.

Okoy na kalabasa ang tawag ng marami pero sa amin sa Bulacan Karamba ang tawag namin dito.   Masarap itong meryenda na kasabay kainin kasama ang mainit na lugaw o goto.


Pwede din itong side dish o pampagana.  Sawsaw lang sa suka na may toyo at bawang.  Solve na solve tiyak ko an ating pagkain.  Try nyo din po.





KARAMBA / KALABASANG OKOY

Mga Sangkap:
1/2 kilo Kalabasa (hiwain na parang palito ng posporo)
250 grams Halabos na Hipon
3 pcs. Eggs
1 cup All Purpose Flour
1 tsp. Maggie Magic Sarap or MSG (optional)
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl paghaluin ang harina, itlog, asin, paminta at kaunting maggie magic sarap.   Haluin itong mabuti para makagawa ng batter.
2.   Ihalo sa batter ang hiniwang kalabasa.   Tiyakin na na-coat ng batter ang bawat piraso ng kalabasa.
3.   Magpakulo ng mantika.   Dapat mga 1/2 inch o higit pa ang lalim nito mula sa bottom ng kawali.
4.   Sa isang platito maglagay ng nais na dami ng kalabasang inihalo sa batter.   Lagyan ito ng ilang piraso ng hipon sa ibabaw.
5.  I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at maging crisp.
6.   Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain na may kasamang suka na may toyo, bawang, sibuyas at sili.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy