WIRED HOTDOG SPAGHETTI
May nabasa ako na sa pagkain daw ang unang kumakain talaga ay ang ating mga mata. Kung baga kung sa tingin natin ay masarap ang pagkain nakahain sa ating harapan, yun ang nagdidikta na kainin natin ito.
Kaya importante din na maganda ang itsura ng mga pagkaing atin inihahain sa ating mga mahal sa buhay. Ofcourse hindi naman yung gagastos pa tayo ng extra para mapaganda lang natin ang ating niluluto. Kung sa mga espesyal na okasyon siguro ay okay lang.
Kagaya na lang nitong spaghetti na niluto ko nitong nakaraang Sabado. May nabasa at nakita kasi ako sa net na yung hilaw na spaghetti pasta ay ipinantuhog sa hotdogs at nung naluto ay para itong kable ng kuryente. Kakaiba ito sa mata ng kakain at natitiyak kong ikakahanga nila. Try nyo din po.
WIRED HOTDOG SPAGHETTI
Mga Sangkap:
500 grams Spaghetti Pasta
500 grams Jumbo Hotdogs (cut into 1/2 inch thick)
6 cup 3 Cheese Spaghetti Sauce
1 head MInced Garlic
2 pcs. Red Onion (chopped)
1 tsp. Dried Basil
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Olive Oil
Grated Cheese
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang hiwa ng hilaw na hotdog, ituhog ang mga 4 na pirasong hilaw na spaghetti pasta.
2. Lutuin ang pasta sa kumukulong tubig ayon sa package direction.
3. For the sauce: Sa isang kawali o kaserola igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
4. Ilagay na din ang dried basil at spaghetti sauce.
5. Timplahan ng asin at paminta.
6. Hayaang medyo kumulo at tikman. I-adjust ayon sa inyong panlasa.
7. Maaaring ihalo ang nilutong pasta o i-serve na naka-hiwalay ito.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments