PIRURUTONG NA BIKO
First time kong maka-kita ng purple rice o yung tinatawagh sa tagalog na pirurutong. Black o itim siya kung titingnan kung hilaw pero pag naluto na ay kulay violet o maitim na ube ito.
Binigyan ako ng kapitbahay kong si Ate Joy nitong klase ng bigas na ito. Galing daw ito sa Baguio at bigay ng kanyang kaibigan. Nung unag kita ko pa lang dito, ay naisip ko agad na masarap itong gawing biko o yung kakain na niluto sa gata ng niyog at nilagyan ng asukal. At eto na nga ang kinalabasan ng aking ginawa.
PIRURUTONG NA BIKO
Mga Sangkap:
2 cups Purple Rice o Pirurutong na Bigas
2 cups Ordinary Malagkit Rice
4 cups Kakang Gata
Sugar to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Paghaluin ang purple rice at ordinary na malagkit rice. Hugasan sa tubig.
2. Ilagay sa kalderong saingan at lagyan ng tubig at 1 cup ng kakang gata. Ang dami ng tubigat gata ay dapat pareho kung paano kayo nagsasaing.
3. Sa isang kawali, pakuluan ang natirang kakang gata hanggang sa maglangis ito at makagawa ng latik. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Sa parehong kawali, isalin ang isinaing na purple rice at malagkit at saka timplahan ng asukal.
5. Haluin nang haluin hanggang sa medyo kumunat na ang malagkit.
6. Tikman ang tamis at i-adjust ang lasa.
7. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng latik sa ibabaw.
Ihain na may kasamang kinayod na niyog at mainit na tsaa.
Enjoy!!!!

Comments