PRITONG SUMAN with DULCE DE LECHE DIP


PRITONG SUMAN with DULCE DE LECHE DIP

Yun ang inam kapag nauuwi ka ng probinsya, nakakain mo yung mga paborito mong pagkain na miss na  miss mo nang kainin.   At isa na dito itong Sumang Malagkit.

Nitong huling uwi namin sa amin sa Bulacan para sa Undas, may naglako ng sumang malagkit na matandang babae.    Maraming pagkain sa bahay pero naawa naman ako sa babae kaya napabili ako ng tatlong tali ng suman.

Sinawsaw ko lang sa asukal ang suman komo wala naman kaming minatamis nang time na yun.   Pero naisip ko na mas masarap itong suman na ito kung ipi-prito sa mantikilya o butter hanggang sa medyo lumutong ang mga side.   At tamang-tama din naman, may ginawang Dulce de Leche ang aking Ate Mary Ann.   Ito ang ginamit kong dip at panalong-panalo talaga ang sarap.

Wala akong recipe na maibibigay para sa post na ito.   Yung sa suman pwede naman mabili sa palengke.   Yung para sa dulce de leche, kailangan mo lang ng 1 can ng condense milk at pakukuluan mo ng mga dalawang oras sa katamtamang lakas na apoy.

For sure magugustuhan din ito ng mga bagets.   Try nyo din po.


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy