MARUYA na may GATA
Ang Maruya ay isa sa mga pagkaing pang-meryenda o dessert man na may malaking bahagi sa aking kabataan. Madalas kasing magluto nito ang aking Inang Lina noong araw at kapag bakasyon ay nagtitinda kami nito sa harap ng aming bahay para may pambili kami ng gamit sa eskwela sa pasukan.
Masarap ang pagkaing ito lalo na kung bagong luto. Sabayan mo pa ng malamig na softdrinks o mainit na kape man ay panalong-panalo ito.
Last Sunday, naisipan kong magluto nito para meryenda ng aking mga anak. At nang ginagawa ko na ito, nakita ko itong natirang gata ng niyog na ginamit ko sa biko na niluto naman ng nakaraang araw. Naisipan kong bakit hindi ito ang gamitin kong mag-sabaw sa batter na gagamitin ko para sa maruya? At yun na nga...Maruyang Saging na nilagyan ng gata ng niyog na mas lalo pang sumarap. Try nyo din po.
MARUYA na may GATA
Mga Sangkap:
10 pcs. Saging na Saba (hiwain ng manipis sa tatlo)
2 cups All Purpose Flour
2 pcs. Fresh Eggs
2 cups Gata ng Niyog and water as needed
Sugar to taste
Cooking oil for frying
Paraan g pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin ang harina, binating itlog, gata ng niyog at asukal. Haluing mabuti hanggang sa makagawa ng batter. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan pa.
2. Mag-painit ng mantika sa kawali.
3. Sa isang platito maglagay ng 3 slice ng saging na saba.
4. Lagyan ng batter sa ibabaw at saka i-prito sa kumukulong mantika. Hayaang maluto hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
5. Hanguin sa isang lalagyan may paper towel.
Ihain na may budbod na asukal sa ibabaw.
Enjoy!!!

Comments