ROASTED TURKEY SANDWICH
Nai-post ko na yung Roasted Turkey na niluto ko nitong nakaraang Noche Buena namin sa San Jose Batangas. Sabi nga ng bunso kong anak, ang laking chicken naman daw nun. Hehehehe.
Masarap ang kinalabasan ng aking first attempt na magluto ng roasted turkey. Malinamnam talaga at malasa ang laman. At hindi ko akalain na sa laki ng turkey na yun ay malmbot na malambot ang laman nito.
Hindi namin naubos ang buong roasted turkey dahil sa laki. Kaya naman nang pauwi pabalik na kami ng Manila ay dinala ko na lang ito. Naisip ko kasi na masarap gawing palaman ito sa tinapay katulad ng mga nababasa ko sa net.
At ito na nga ang nangyari. Isang masarap na sandwich mula sa left over turkey.
ROASTED TURKEY SANDWICH
Mga Sangkap:
Leftover Roasted Turkey (himayin o hiwain ng maliliit)
Small White Onion (chopped)
2 cups Ladies Choice Mayonaise
Sugar, Salt and pepper to taste
Lettuce
Sliced Tomatoes
Cheese
Loaf Bread
Butter
To assemble:
1. Sa isang bowl paghaluin ang hinimay na roasted turkey, chopped onion, mayonaise at timplahan ng asin, asukal at pamainta. Haluin mabuti.
2. I-toast ng bahagya ang loaf bread.
3. Pahiran ito ng butter at lagyan ng lettuce, tomatoes, cheese at ang pinaghalong mga sangkap.
Ihain habang mainit-init pa.
Enjoy!!!!
Comments