PANDESAL PIZZA

Lagi kong sinasabi na ang pag-aaksaya ng pagkain sa aming bahay ay isang malaking NO.   Sa mahal ba naman ng mga bilihin ngayon dapat ang mga natitira nating pagkain ay magawan pa natin ng paraan para mapakinabangan.

Kagaya nitong pandesal pizza na ito, nagawa ko ito dahil sa mga tira-tira.   May ilang piraso pang pandesal na 2 days old na at yung spaghetti sauce na natira naman sa birthday ng asawa kong si Jolly.   Nilagyan ko na lang ng grated cheese at presto isang masarap na pandesal pizza ang kinalabasan.



PANDESAL PIZZA

Mga Sangkap:
10 pcs. Pandesal (cut into half)
Spaghetti Sauce
Grated Cheese
Dried Basil
Freshly ground Black Pepper

Paraan ng pagluluto:
1.   Hiwain sa dalawa ang bawat piraso ng pandesal.
2.   Lagyan ng nais na dami ng spaghetti sauce at saka lagyan ng grated cheese sa ibabaw.
3.   Budburan ng kaunting dried basil at pamintang durog ang bawat piraso ng pandesal pizza.
4.   Lutuin sa oven toaster o turbo broiler hanggang sa matunaw ang keso sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

ps.
Maaari ding lagyan ng chopped onion at hiniwang red o green bell pepper ang inyong pizza para mas mapasarap pa ang lasa.

Thanks

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy