PANCIT ALANGANIN ng BOCAUE

Sa bayan ng Bocaue na aking bayang sinilangan, may isang klase ng pancit na talaga namang ipinagmamalaki namin.   Ito ay ang Pancit Alanganin.  Bakit pancit alanganin?    Actually, parang ordinaryong pancit din lang siya.   Yun lang mayroon siyang konting sabaw kaya parang alanganing sopas at alanganing tuyong pancit ito.  Lalong nagpasarap dito ang masaganang toppings na gulay, karne ng baboy at chicharong baboy.

Sikat na sikat sa bayan naming ito ang Nory's Panciteria na nagpasikat nitong pancit alanganin na ito.   Ilang beses na din itong na-feature sa mga show sa tv kagaya ng sa Jessica Soho Report at iba pang pang-international na palabas.

Nitong nakaraan kong kaarawan ito lang ang niluto kong handa para maging almusal namin.  Pero syempre may kasama naman itong mainit na pandesal na nilagyan ng butter.  Try nyo din po.




PANCIT ALANGANIN ng BOCAUE

Mga Sangkap:
500 grams Rice Noodles o Bihon
500 grams Pork Belly (yung manipis lang ang taba)
1 pc. Carrot (cut into strips)
200 grams Baguio Beans (sliced)
1 cup Kinchay (chopped)
1/2 pc. Repolyo (sliced)
1 head minced Garlic
1 large Onion (chopped)
2 cups Alaska Full Cream Evaporated milk
1/2 cup Soy Sauce
Salt and pepper  to taste
3 tbsp. Cooking oil

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang kaserola pakuluan ang pork belly sa 1 litrong tubig na may kaunting asin hanggang sa lumambot.   Hanguin ang laman, palamigin at i-slice ayon sa nais na laki.
2.   Sa isang kawali o kaserola (yung kasya ang lulutuing pancit), i-prito muna bawang hanggang sa matusta sa mantika.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Isunod na ang sibuyas at ang hiniwang pork belly.   Halu-haluin.
4.   Isunod na din ang carrots at Baguio beans.   At panghuling ilagay naman ang repolyo at kinchay.
5.   Timplahan ng kaunting asin at paminta.
6.   Hanguin ang mahigit kalhati ng sahog na ginisa.  
7.   Ilagay ang sabaw na pinaglagaan ng liempo.   Hayaang kumulo
8.   Ilagay na ang toyo at an g gatas na evap.   Timplahan muli ng asin at paminta.
9.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
10.  Ilagay ang rice noodles o bihon at haluing mabuti hanggang sa maluto
11.  To assemble:    Maglagay ng nasi na dami ng pancit sa plato at lagyan ng ginisang pork belly at mga gulay sa ibabaw.   Lagyan din ng ginayat na chicharon at toasted garlic.

Ihain habang mainit pa na may kasamang calamansi.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy