CHOCO CHOCO CHAMPORADO


Tuwing Sabado at Linggo, sinisikap kong iba naman ang aming almusal kumpara sa araw-araw na kanin at ulam.   Para kasi sa akin espesyal ang mga araw na ito.  Wala kasing pasok ang mag bata at pagkakataon naming magkasabay-sabay kumain.

Nitong nakaraang Sabado, nagluto ako ng champorado at pritong tuyo at sapsap.   Pero bakit may choco choco pa ang umpisa ang tawag ko sa champoradong ito?   Nakita ko kasi yung chocolate syrup sa ang fridge at sinubukan kong lagyan pa nito ang champorado sa halip na gatas lamang.   Nakakagulat pero mas lalong sumarap ang paborito na nating champorado at tuyo.   Try nyo din po.



CHOCO CHOCO CHAMPORADO

Mga Sangkap:
2 cups Malagkit na Bigas
3 pcs. Chocolate na Tablea
2 cups Brown Sugar o depende na lang sa tamis na nais nyo
Evaporated Milk
Chocolate Syrup
Pritong Tuyo o Sapsap

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola pakuluan ang malagkit na bigas kasama ang tablea.   Halu-haluin at tiyaking hindi naninikit ang bottom ng kaserola.   Lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.   Lutuin hanggang sa lumapot na ang champorado.
2.   To serve, maglagay ng nais na dami sa isang bowl at lagyan ng evaporated na gatas at chocolate syrup.

Ihain habang mainit pa kasama ang pritong tuyo o sapsap.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy