CHEESE and BUTTER SANDWICH
Ito yung simpleng sandwich na inihanda ko kasama ng pasta carbonara nung nagpadasal ako sa haus nitong nakaraang mga araw. Simple lang siya kasi simple din lang ang mga sangkap. Pero nagulat talaga ako sa comments at reaction ng mga bisita ko na naka-kain nito. Puring-puri talaga nila. Wala namang espesyal na sangkap akong inilagay. Siguro, komo para ito kay Mama Mary at sa Holy Family, sumarap ito dahil gusto ko rin masiyahan ang mga kakain. Sabi ko nga parati, lagyan natin ng pagmamahal ang ating mga niluluto para mas lalo pa itong sumarap. At ganun na nga siguro ang nangyari.
CHEESE and BUTTER SANDWICH
Mga Sangkap:
Loaf Bread or Tasty Bread
1 bar Unsalted Butter or Daricream
1 bar Cheddar Cheese (grated)
Salt and pepper to taste
To Assemble:
1. Sa isang bowl, paghaluin lang ang butter, grated cheese at timplahan ng kaunting asin at paminta. Haluing mabuti.
2. Ipalaman ito sa loaf bread at saka hiwain ng pa-triangle.
3. Pwede i-toast ng bahagya bago ihain.
Enjoy!!!!
Comments