PORK & SHRIMP SIOMAI

Paborito ko ang pork and Shrimp siomai o siu mai.   Kapag nagugutom nga ako at may nadadaanan akong food stall na nagtitinda ng siomai bumibili talaga ako para mapawi ang cravings ko.   Ang sarap kasi lalo na pag maraming chili-garlic sauce na kasama.   hehehehe.

Nitong nakaraang weekends, naisipan kong gumawa nito para pang-ulam namin.   Yes.  Pwede din naman itong pang-ulam.   Ang ginawa ko nga dito yung iba niluto ko na may sabaw at yung iba ay steam lang.   Masarap.   Iba talaga yung lutong bahay.


PORK & SHRIMP SIOMAI

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Giniling (1/4 taba...3/4 laman)
1/2 kilo Hipon (alisin ang ulo at balat at saka hiwain ng maliliit)
2 cups Singkamas (hiwain ng maliliit)
2 pcs. White Onion (finely chopped)
1 tbsp. Sesame Oil
1 cup Cornstarch or flour
1/2 cup Soy Sauce
3 pcs. Fresh Eggs
Wonton Wrapper
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl paghaluin ang lahat na mga sangkap maliban lamang sa wonton  wrapper.   Hayaan muna ng ilang minuto bago ibalot sa wonton wrapper.   Maaring kumuha ng kaunti at i-prito o i-steam para matikman kung tama na ang lasa.
2.   Ibalot ito sa wonton wrapper sa nais na laki.
3.   I-steam ito o i-prito hanggang sa maluto.

Ihain na may kasamang chili-garlic sauce na may toyo at calamansi o kaya naman ay sweet chili sauce.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy