PININDOT with a TWIST
Nitong huling uwi namin ng aking pamilya sa bayan ng asawa kong si Jolly sa San Jose Batangas nitong nakaraang Mahal na Araw, dumaan muna kami sa palengke para bumili ng mga pagkaing ka-kailanganin namin sa ilang araw. Nakita ko itong nagtitinda ng powdered na malagkit na bigas sa may nagtitinda ng niyog. Naisip ko agad na bakit hindi ako magluto ng pinindot para pang-meryenda namin sa bahay.
Ang Pinindot ay isang pang-meryendang dish sa Batangas. Giniling na malgkit na bigas ito na binilog na maliliit at niluto sa gata at may lahok ding sago. Sa amin sa Bulacan, Alpahor ang tawag dito. Sa amin naman, hinahaluan pa ito ng saging na saba, kamote, gabi at minsan ay may langka din. Sa Maynila, mas kilala ito na Ginataang Halo-Halo o Ginataang Bilo-bilo.
Sa version kong ito ng Pinindot, pinaghalo ko ang recipe naming taga-Bulacan at ang version ng Batangas. Sinubukan ko din langyan ng all purpose cream for added twist. Ang resulta? Isang masarap na pang-meryenda. Pwede din itong dessert. Try nyo din po.
PININDOT with a TWIST
Mga Sangkap:
1/2 kilo Glutinous Rice Flour
2 pcs. Grated Coconut
6 pcs. Saging na Saba (cut into small cubes)
2 pcs. Kamote (cut into small cubes)
2 cups Cooked Sago
1 tetra brick All Purpose Cream
Sugar to taste
Paraan ng pagluluto:
a. Para sa pinindot o bilo-bilo:
a.1 Sa isang bowl ilagay ang glutinous rice flour at unti-unting lagyan ng tubig. I-masa hanggang makagawa ng galapong.
a.2 Gumawa ng maliliit na bilog na kasing laki siguro ng holen. Ilagay sa isang tray o lalagyan.
b. Para sa gata:
b.1 Sa isang bowl ilagay ang kinayod na niyog.
b.2 Lagyan ng mga 4 tasang maligamgam na tubig.
b.3 Pigain ito para makuha ang kakang gata.
b.4 Salain ang pinigang gata sa isang lalagyan.
b.5 Lagyan muli ng 4 na tasang maligamgam na tubig para makakuha ulit ng gata.
c. Pagluluto:
c.1 Sa isang kaserola, pakuluan ang pangalawang piga na gata.
c.2 Kapag kumukulo na, ilagay na ang hiniwang saging at kamote.
c.3 Ilagay na din ang bilo-bilo, sago at asukal. Halu-haluin para hindi dumikit sa bottom ng kaserola ang mga bilo-bilo.
c.4 Huling ilagay ang kakang gata o yung unang piga na gata at ang all purpose cream. Halu-haluin
c.5 Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa o tamis.
Ihain ng mainit man o malamig.
Enjoy!!!!

Comments