BANANA FRIES

May nabili akong magandang saging na saba nitong huling pag-go-grocery namin.   Maganda kasi malalaki siya...tamang-tama lang ang pagka-hinog at wala nung mga pache-pache na maitim sa balat at laman.

Yung iba ay pinirito ko lang at yung iba ay ginawa kong banana fries.  Papanong banana fries?   Komo malalaki at mahaba ang saba na ito, hiniwa ko siya ng pahaba na medyo malaki lang sa size ng regular fries.   Also, masarap itong kainin na side dish o kaya naman ay snacks habang bagong luto.   Also, pwede nyo itong i-dip sa melted chocolate or sa mga fruit jams kagaya ng stawberry or mango.   Try nyo din po.   Masarap at madali lang gawin.


BANANA FRIES

Mga Sangkap:
Saging na Saba (cut into strips)
Cornstarch
Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.  Hiwain ang saging na saba ng pa-strips.
2.  Igulong sa cornstarch at ilagay muna sandali sa isang lalagyan
3.  I-prito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
4.  Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain habang mainit pa kasama ang paborito nyong dip.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy