UBE BUCHI

Nitong huling uwi namin ng Batangas, napabili ako ng 1/2 kilo nitong glutinous rice flour sa palengke ng San Jose.  Remember yung pinindot na niluto ko din?   Ang nasa isip ko nung bumili ako nito ay ang gumawa ng buchi.   Yes.   Yung masarap na dessert na sine-serve sa mga Chinese restaurant.

This time matamis na ube ang aking ipinalaman sa aking buchi.  Hindi ko kasi alam kung ano yung sangkap na talagang inilalagay.   May natikman ako peanut butter naman.   Pero sa tingin ko itong matamis na ube ang the best alternatives.

Sa totoo lang hindi ganun ka-succesful ang aking first attempt.    Lumalabas kasi yung palaman at nagpa-pop-up dun sa malagkit.   Also, di ko makuha yung tamang temperature para hindi masunog agad yung sesame seeds.   Pero kahit ano pa man ang hindi magandang kinalabasan, masasabi kong successful pa din ang aking first attempt.   Masarap kasi ito at talagang nagustuhan ng aking mga anak.   Try nyo din po.



UBE BUCHI

Mga Sangkap:
1/2 kilo Glutinous Rice Flour
1 jar Matamis na Ube
1 cup Sesame Seeds
Cooking Oil for Frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Haluin ng tubig ang glutinous rice flour.   Dahan-dahan lang ang lagay ng tubig hanggang sa makuha lang ang tamang masa na kailangan.
2.   Kumuha ng tamang dami ng dough...ibilog at saka lagyan ng palaman sa gitna...isara at muling ibilog.
3.   Igulong sa sesame seeds hanggang sa mabalot ang buo nito.
4.   I-prito ng lubog sa mantika sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
5.   Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain habang medyo mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy