ROTINI PASTA in ITALIAN SPAGHETTI SAUCE
My family loves pasta. Kahit ano pa ang kulay ng sauce na ilagay dito ay panalo pa din sa aming lahat. Kaya naman nung bigyan kami ng iba't-ibang klase na pasta ng aking kapatid na si Ate Mary Ann (padala ng kanyang anak na si Ichan), natuwa ako at may mailuluto na naman akong kakaiba para sa aking pamilya.
Nagpa-package kasi ang aking pamangkin na si Ichan na nasa Abu Dhabi. At marami nga sa laman nito ay mga pasta at kung ano-ano pa. Tatlong klaseng pasta ang ibinigay sa akin. Ito ngang Rotini o twisted pasta, shell pasta at elbow macaroni pasta.
In this pasta dish, Italian spaghetti sauce ang aking ginamit. Luncheon meat naman ang aking isinahog at dinagdagan ko ng maraming grated cheese. And as expected, nagustuhan ng aking mga anak ang pasta dish na ito.
ROTINI PASTA in ITALIAN SPAGHETTI SAUCE
Mga Sangkap:
500 grams Rotini Pasta (Twisted)
1 can Maling Luncheon Meat or Spam (Cut into small cubes)
6 cups Italian Style Spaghetti Sauce
1 head Minced Garlic
1 large Onion (Chopped)
3 tbsp. Olive Oil
2 cups Grated Cheese
1 tsp. Dried Basil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang pasta according to package direction. Huwag i-overcooked. I-drain.
2. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas at dried basil sa olive oil.
3. Sunod na ilagay ang hiniwang luncheon meat. Halu-haluin.
4. Ilagay na ang Italian style spaghetti sauce at timplahan ng kaunting asin at paminta.
5. Ilagay na din ang 1 cup na grated cheese. Halu-haluin.
6. Tikman ang sauce at i-djust ang lasa.
7. Ihalo ang niluto pasta sa sauce.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natir pang grated cheese.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments