GINATAANG ALIMASAG na may SITAW at KALABASA


Espesyal na ulam sa amin ang mga seafoods kagaya ng sugpo, alimango at alimasag.   Bukod kasi sa
masarap naman talaga ang mga ito, yun lang talagang may kamahalan ang presyo nito.    Pero ako naman bastat masisiyahan ang ang pamilya na kakain ay okay lang.

Kagaya nitong alimasag na iniulam namin nitong mga nakaraang Linggo.   Maganda kasi yung alimasag na nakita ko sa palengke at tamang-tama kako na lagyan ko ito ng gata ng niyog at samahan na din ng gulay na sitaw at kalabasa.   Tunay nga na nagustuhan ng aking pamilya ang dish na ito lalo na ang asawa kong si Jolly.   Ubos ang kanin.   hehehehe


GINATAANG ALIMASAG na may SITAW at KALABASA

Mga Sangkap:
1 kilo Alimasag (mas mainam yung babae)
2 cups Kakang Gata
Kalabasa (cut into cubes)
Sitaw (cut into 1 inch long)
2 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
3 tbsp. Cooking Oil
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola o kawali igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Ilagay na agad ang sitaw, kalabasa at alimasag.
3.   Ilagay na din ang kakang gata  at timplahan at asin at paminta.   Halu-haluin.   Takpan at hayaang maluto ang gulay at alimasag.
4.   Timplahan ng maggie magic sarap.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!





Comments

Anonymous said…
ang sarap po nito. more recipes po na ganito para sa lenten season. i check your blog regularly.
Dennis said…
Salamat po. You may check other recipes at the archive. Just click the label for fish or seafoods.

Thanks

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy