ALIMANGO HIPON at KALABASA sa GATA - Our Valentines Day Lunch
Ang mga seafoods kagaya ng alimango at hipon ay mga pangulam na masasabi nating espesyal. Bukod kasi sa masarap naman talaga ito medyo may kamahalin din ang presyo. Kaya naman nitong nakaraang Valentines Day, ito ang ulam na aking inihanda para sa aming tanghalian.
Niluto ko ito sa kalabasa at gata ng niyog. Niluto ko muna ang kalabasa sa kaunting gata hanggang sa madurog na naging pinaka-sauce ng alimango at hipon. Ang sarap talaga ng kinalabasan. Sauce pa lang ay ulam na kung baga. Hehehehehe. Try nyo din po.
ALIMANGO HIPON at KALABASA sa GATA - Our Valentines Day Lunch
Mga Sangkap:
1 kilo Alimango (yung babae ma mainam)
1/2 kilo Medium to large size na Hipon (alisin yung sungot o balbas)
250 grams Kalabasa (cut into cubes)
4 cups Pure Coconut Cream
2 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Large size Onion (sliced)
1/2 stp. Maggie Magic Sarap
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Linising mabuti ang alimango at i-steam sa kaunting tubig. Lagyan din ng kaunting asin. Hayaang ma-steam hanggang sa maluto ang alimango. Hanguin. Palamigin at hiwain o hatiin sa dalawa ang alimango.
2. Sa isang kaserola o kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
3. Ilagay na agad ang kalabasa at dalawang tasang gata. Hayaang kumulo hanggang sa medyo maluto ang kalabasa.
4. Sunod na ilagay ang hipon at timplaha ng kautning asin, paminta at magic sarap.
5. Kung mapula na ang hipon, ilagay na ang hiniwang alimango.
6. Ilagay na din ang 2 tasa pang gata ng niyog.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments