LAING ala DENNIS
After nang pagbisita namin sa aking Tiyo Lando sa Bicol, parang nag-crave ako bigla sa pagkain ng Laing. Yes. Yung lutong Bicol na dahon ng gabi na may gata.
Tyempo din na napanood ko sa youtube yung movie nina Aga at Claudine yung Kailangan kita. Gustong-gusto ko yung part ng encounter ni Caloy played by Aga at yung Tatay niya na tinuturuan siyang magluto ng laing. Gusto-gusto ko yung part na sinabi nung tatay..."...pare-pareho lang naman ang pagluto ng laing...pare-pareho rin ang mga rekado...pero siguro iba lang ang gata ko....punong-puno ito ng pagmamahal....alam mo...ito rin yung paborito ng anak ko...si Caloy". Ito talaga yung mga linya na tumagos sa akin. Kaya ayun..napaluto tuloy ako ng laing. hehehehe
Ito siguro ang the best na luto ko ng laing. Winner talaga!!!!
LAING ala DENNIS
Mga Sangkap:
500 grams Sariwang Dahon at Tangkay ng Gabi (cut into small pieces)
500 grams Pork Belly (cut into small cubes)
500 grams Kakang Gata (unang piga)
500 grams Gata ng niyog (ikalawang piga)
2 thumb size Ginger (cut into strips)
5 pieces Siling pang-sigang
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola o kawali, pakuluan ang pork belly sa tubig at kaunting asin. Hayaan kumulo hanggang sa mawala na ang tubig. Kung matigas pa ang karne agyan pa ng tubig.
2. Prituhin ang karne sa sarili niyang mantika kasama na din ang 3 kutsarang mantika pa.
3. Itabi ang karne sa gilid ng kaserola ang igisa ang luya, bawang at sibuyas.
4. Sunod na ilagay ang ikalawang piga na gata at hayaang kumulo.
5. Ilagay na ang dahon at tangkay ng gabi. Halu-haluin. Takpan at hayaang maluto ang gabi.
6. Kung medyo natutuyo na ang sabaw, ilagay na ang kakang gata at siling pang-sigang. Halu-haluin para hindi manikit ao magtutong ang bottom ng kaserola.
7. Timplaha ng maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa.
8. Kung gusto nyong masabaw ang inyong laing maari nyo nang patayin ang apoy kung naluto na ang dahon. Kung dry naman ang gusto nyo hayaang nyo lang na matuyo ang gata habang niluluto.
Ihain habang mainit pa.
Note: Kung gusto nyong mas maanghang ang inyong laing, siling labuyo ang inyong gamitin.
TY
Enjoy!!!!

Comments