BICOL EXPRESS with a TWIST

Noong papauwi na kami galing ng Bicol, pinabaunan kami ng aming Tiya Gloria ng pagkain para kainin namin sa byahe.   Kasama sa mga ulam na pinabaon ay itong Bicol Express.

Nagustuhan ko talaga ang ulam na ito.   Tamang-tama lang ang anghang at talaga namang mapaparami ka ng kanin habang inuulam ito.

Also, napansin ko na may nakahalong pineapple tidbits na mas lalong nagpasarap sa dish.   Naka-chat ko ang pinsan kong si Mak na anak ng aming Tiya Gloria, tinanong ko kung bakit may pineapple tidbits.   Pangtanggal umay daw yun kasi nga medyo spicy ito.

Ilang araw lang mula ng manggaling kami ng Bicol ay naisipan ko nang gayahin at magluto nitong Bicol express na ito.   At para maiba naman ay nilagyan ko pa ito ng added twist.   Nilagyan ko pa ng toasted pili nuts nung akin na itong inihain.   Yummy talaga.   Truly a Bicol Signature dish.


BICOL EXPRESS with a TWIST

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (cut into small cubes)
10 pcs. Siling Pang-sigang (alisin ang buto at hiwain ng palihis)
3 cups Kakang Gata
2 cups Pineapple Tidbits (alisin ang sabaw)
3 tbsp. Bagoong Alamang
1 thumb size Ginger (cut into strips)
1 head Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil
1 cup Toasted Pili Nuts (to garnish)

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang kawali, ilagay ang hiniwang liempo at 1 cup na tubig at timplahan ng kaunting asin at paminta.  Hayaang kumulo hanggang sa matuyo ang sabaw.
2.   Kapag natuyo na ang sabaw, ilagay ang mantika at i-prito ng bahagya ang karne.
3.  Itabi sa side ng kawali ang karne at igisa ang luya, bawang at sibuyas.
4.   Sunod na ilagay ang bagoong alamang, hiniwang sili at 2 cups na kakang gata.  Halu-haluin at takpan.  Hayaang lumambot pa ang karne.
5.   Huling ilagay ang 1 cup pa ng gata at ang pineapple tidbits.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang toasted Pili Nuts.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note:   Kung nais nyo na mas maanghang pa, siling labuyo ang inyong gamitin.   In this recipe, inalis ko yung buto ng sili para bawang anghang.


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy