GINATAANG SITAW at KALABASA: With a Twist
One of my favorite vegetable dish ito ginataang sitaw at kalabasa. Kahit bagoong o hibe lang ang sahog nito ay panalong-panalo ito sa akin lalo na kung marami din itong gata na kasama.
Pero hindi lang pala gata ang maaring magpasarap pa sa ginataang sitaw at kalabasa. Natuklasan ko ito nung makita ko itong natirang pinaghalong mayonaise at bagoong sa fridge na ginamit kong sauce sa aking daing na bangus. Sayang naman kako at naisipan kong ihalo di ito sa niluluto kong ginataang sitaw at kalabasa nga.
Ang resulta? Level-up sa lasa na ginataang sitaw at kalabasa. Try nyo din po.
GINATAANG SITAW at KALABASA: With a Twist
Mga Sangkap:
Kalabasa (cut into cubes)
Sitaw (cut into 2 inches long)
3 cups Kakang Gata
1 cup lady's Choice Mayonaise
2 tbsp. Bagoong Alamang
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
3 tbsp. Cooking oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Isunod na agad ang sitaw at kalabasa at lagyan ng kaunting tubig. Takpan at hayaang maluto.
3. Kapag malapit nang maluto ang kalabasa, ilagay na ang bagoong alamang at kakang gata. halu-haluin.
4. Huling ilagay ang mayonaise.
5. Tikman muna ang sauce bago timplahan ng asin pa at paminta.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments