LAING ni TIYA GLORIA
Nung papaunta pa lang kami ng Bicol para dalawin ang aking Tiyo Lando, napagusapan namin ng kapatid kong si Shirley kung nagluluto ba ng Laing ang aming Tiya Gloria. Oo naman daw. Sabagay, sino ba naman ang taga-Bicol na hindi marunong magluto nito? hehehe. Yun daw version ng aming tiya ay yung medyo tuyo o hindi ma-sauce.
Ang picture sa itaas ay ang niluto mismo ng aking Tiya Gloria sa second day ng aming pag-stay sa kanilang bahay. Niluluto pa lang ito ay super excited na ako para matikman ang masarap na Bicol dish na ito. Kaya naman habang kinakain ko ito, nire-reconstruct ko talaga sa aking bibig kung papaano ito niluto. At eto ang aking naging version naman.
LAING ni TIYA GLORIA
Mga Sangkap:
About 100 grams Dried Gabi Leaves
500 grams Pork Belly (cut into small pieces)
3 cups Kakang Gata
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Large Onion (chopped)
1 thumb size Ginger (cut into strip)
Siling Pang-sigang (depende ang dami sa anghang na nais...i-slice)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa kawaling paglulutuan, ilagay ang hiniwang pork belly o liempo at lagyan ng tubig at kaunting asin. Takpan at hayaang maluto ang karne hanggang sa matuyuan na ito ng tubig at ma-prito na ito sa sariling mantika. Kung matigas pa ang karne at wala nang tubig, lagyan pa ito kung kinakailangan.
2. Sa parehong lutuan sunod na igisa ang luya, bawang at sibuyas.
3. Sunod na ilagay ang siling pang-sigang at 2 cups na gata ng niyog at hayaang kumulo.
4. Ilagay na agad ang tuyong dahon ng gabi at halu-haluin. Hayaang maluto.
5. Timplahan ng asin, paminta at Maggie Magic Sarap. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Kung gusto ninyo na ma-sauce ang inyong laing, sa huli ilagay ang natitirang 1 cup pa na gata ng niyog. Kung hindi naman isabay na ito sa #3.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments