SPICY SHRIMP IN COCONUT MILK

Ito ang isa sa mga dish na niluto ko para sa kaarawan ng panganay kong anak na si Jake.   Spicy Shrimp in coconut Milk.

Wala sa original menu ang dish na ito.   Roasted Pork Belly, Fried Chicken at Lasagna lang talaga ang ihahanda ko.   Pero naisip ko na parang bitin yung handa kaya naisipan kong dagdagan nitong hipon nga at gumawa din ako ng paella valenciana.

Masarap ang dish na ito.   Cayene powder ang ginamit kong pampa-anghang kaya tamang-tama lang yung anghang ng dish.   Nagustuhan nga ng mga bisita.   Hehehehe


SPICY SHRIMP IN COCONUT MILK

Mga Sangkap:
2 kilos Medium size Shrimp (alisin yung matulis na sungot at balbas)
2 cups Kakang Gata
1/2 tsp. Cayene Powder
2 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
3 tbsp. Cooking Oil
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Sunod na ilagay ang kakang gata, cayene powder at hayaang kumulo.
3.   Kapag kumulo na ilagay na ang hipon at timplahan ng Magic Sarap, asin at paminta.    Takpan at hayaang maluto ang hipon.
4.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy