COCO-CORN GELATIN
Nitong nakaraang weekend naisipan kong gumawa ng dessert. Walang akong maisip in particular kung ano kaya naisipan ko na lang na tumingin sa aming pantry cabinet kung ano ang meron.
May nakita akong cream of corn na nabili ko ng sale nung huling pag-grocery namin at ang Mr. Gulaman na ilang linggo na din na hindi ko nagagamit. May nakita din akong 1 can ng Coconut milk na ginamit ko pa yung isang lata nung gumawa ako ng maja maiz.
Walang particular na recipe akong sinunod ng ginawa ko ang dessert na ito. Ang nasa isip ko lang ay parang masarap na kombinasyon ang mais at gata ng niyog. At yun na nga. nang i-combine ko ang dalawang sangkap na ito plus gulaman at asukal, isang masarap na dessert ang aking nagawa. Try nyo din po.
COCO-CORN GELATIN
Mga Sangkap:
1 can (425grams) Cream Corn
1 sachet Yellow Color Mr. Gulaman Powder
1 can (400ml) Coconut Milk
Sugar to taste
Pan Cake Syrup
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang Mr. Gulaman na tinunaw sa 2 cups ng tubig. Halu-haluin
2. Kapag kumulo na, ilagay na din ang asukal, cream corn at coconut milk o gata. Patuloy na haluin hanggang sa kumulo.
3. Tikman kung ok na sa inyo ang tamis.
4. Hanguin o isalin sa mga molde at palamigin.
5. Isalin sa isang lalagyan at i-drizzle ng pan cake syrup sa ibabaw.
Ihain na medyo malamig.
Enjoy!!!!!

Comments