MANGO SAGO in COCONUT MILK

Bakasyon ang mga bata.   Di kagaya nung mga nakaraang taon na sa biyenan ko sa Batangas sila nagba-bakasyon, this year ay sa bahay lang sila.   At syempre pag nasa bahay lang, pagkain, tv, computer ang pinagkaka-abalahan.   Parang laging gutom...hehehehe.

Kaya naman naisipan kong gumawa ng dessert na tamang-tama sa panahon.   itong Mango Sago In coconut Milk.   Yun lang, medyo brownish ang naging sauce nitong dessert na ito.   Naubusan kasi ako ng white sugar at yung segunda na asukal ang aking nagamit.   Okay din naman, masarap ang kinalabasan ng dessert na ito.



MANGO SAGO in COCONUT MILK

Mga Sangkap:
6 pcs. Ripe Mango (cut into cubes)
250 grams Small Tapioca Pearl or Sago
1 big can Coconut Milk
White Sugar to taste
2 pcs. Pandan Leaves

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang sago sa isang kaserola na may tubig.
2.   Kung luto na ang sago ilagay ang puting asukal at dahon ng pandan .   Hayaang maluto ng mga 50 minuto.
3.   Ilagay ang hiniwang mangga at hayaan ng mga 2 minuto.
4.   Huling ilagay ang gata o coconut milk at halu-haluin.
5.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
6.   Palamigin muna bago i-chill sa fridge.

Ihain na medyo malamig.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy