TINUTUNGAN MANOK ni TIYA GLORIA
Sa lahat ng dish na ipinaulam sa amin ng aming Tiya Gloria nitong huling pagdalaw namin sa kanila, itong Tinutungang Manok ang nagustuhan ko sa lahat. Unang subo ko pa lang nung isang piraso ng manok ay lasa ko na agad yung parang smokey taste ng gata ng niyog. Masarap talaga.
Actually, para din lang itong tinolang manok. Ang pagkakaiba nga lang nito ay may lahok itong gata ng niyog na medyo may kahirapan ang proseso at yung tanglad. Maanghang din ito.
Also, native na manok ang ginamit dito kaya mas lalong malasa. Kung yung ordinary na manok kasi parang kulang sa lasa.
Try nyo din po ito. Tunay na lutong Bicol talaga.
TINUTUNGANG MANOK ala MAK
Mga Sangkap:
1 whole Native Chicken (about 1.5 kilos) cut into serving pieces
1 medium size Green Papaya (balatan at hiwain sa nais na laki)
2 pcs. Kinayod na Niyog
3 tangkay na Tanglad
2 thumb size Ginger (cut into strips)
Dahon ng Sili
1 head Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
1 tsp. Whole Pepper Corn
5 pcs. or more Siling pang-Sigang
3 tbsp. Cooking Oil
Salt or patis to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Para sa Gata: Magpabaga ng uling sa kalan. Kapag nagbabaga na, ilagay ito sa isang glass bowl at tabunan ng kinayod na niyog. Alsn ang sinunog na niyog at pabagahin ulit ang baga. Ulit-ulitin ito hanggang sa masunog na ang lahat na kinayod na niyog.
2. Lagyan ng 1 cup na maligamgam na tubing ang niyog at saka pigain para makuha ang kakang gata. Ulitin ang pagpiga hanggang sa maka-kuha ng 3 cup na gata.
3. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
4. Ilagay na agad ang manok at timplahan ng asin o patis at paminta. Haluin at hayaang masangkutsa. Maaring takpan.
5. Lagyan ng 2 tasang tubig at ilagay na din ang hiniwang papaya at tanglad. Takpan at hayaang maluto ang papaya.
6. Kung malapit nang lumambot ang papaya, maaring ilagay na ang gata ng niyog at siling pang-sigang. Hayaan ng ilang minuto.
7. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
8. Huling ilagay ang dahon ng sili.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments