HALABOS na HIPON sa GATA

Ito ang isa pa sa mga dish na niluto ko para sa aking nakaraang kaarawan.   Halabos na Hipon sa Gata.

Ang paghahalabos ang pangkaraniwang luto na ginagawa natin sa hipon.   Madalas asin lang ang inilalagay natin at kaunting tubig at pakukuluan o steam lang ng kaunti.   Pero pwede din na maglagay pa tayo ng kung ano-anong pampalasa pa para sumarap ito.

Yung iba ginigisa pa ito sa butter at nilalagyan ng 7Up o Sprite,   Yung iba naman maraming bawang o mga herbs na pampalasa.

Sa version kong ito, gata ng niyog naman ang aking ipinang-halabos.   Nilagyan ko din ng chili-garlic sauce para may kaunting sipa sa bibig ang lasa.   For me, ito ang panalong luto sa hipon.


HALABOS na HIPON sa GATA

Mga Sangka:
1 kilo Medium size Shrimp
2 cups Kakang Gata ng Niyog
1 tbsp. Chili-garlic sauce
1 thumb size Ginger (cut inti strips)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
2 tbsp. Cooking Oil or melted Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter o mantika.
2.   Sunod na ilagay ang kakang gata at chili-garlic sauce.   Halu-haluin at hayaang kumulo ng ilang minuto.
3.   Sunod na ilagay ang hipon at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin at saka takpan.
4.   Kapag pumula na ang mga hipon maaaring tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy