JAKE'S 18th BIRTHDAY CELEBRATION

September 22 ang araw ng kapanganakan ng panganay kong anak na si Jake.   At kagaya ng mga nakaraan niyang birthday, iniraraos namin ito kahit papaano sa aming tahanan.

Huwebes pumatak ang kanyang birthday at siya na din ang nagsabi na Sabado na lang gawin ang celebration komo nga simpleng araw yun at may pasok sila sa school.

At ganun nga ang nangyari.   Tanghali pa lang ng Sabado ay nag-simula na akong magluto para sa kanyang mga bisita.   Sabi niya mga 15 daw ang ine-expect niya na guest kaya naman nag-handa ako ng para sa 20 to 25 na guest naman.

Sa may birthday din nang-galing kung ano ang gusto niyang ihanda ko.   Ganun naman lagi ang ginagawa ko.   Kung ano ang gustong handa ng may birthday, yun ang inihahanda ko.

So nagluto ako ng Pork Hamonado,  Shrimp in Orange-Pineapple sauce, Fish fillet with Chili-Garlic-Mayo Dip,  5 Spice Fried Chicken,  Spaghetti Meat Overload in Italian Sauce at Yang Chow Fried Rice.   Mayroon ding Coffee Jelly for dessert.

Dumating din ang matalik naming kaibigan na si Ate Joy at Kuya Francis.

Dumating din ang pamilya ni Ate Azon na kapatid ng asawa kong si Jolly.

At ang mga matatalik ng kaibigan ng may birthday.   Both yung mga ka-klase niya sa Aquinas school at sa University of the East.

Naging panganko ko na sa aking mga anak na kahit anong mangyari basta sumapit ang kanilang mga kaarawan ay maghahanda ako kahit papaano.   Ito ay bilang pasasalamat na din sa Poong May Kapal sa kanyang patnubay sa aming pamilya.

Hanggang sa muli......


Comments

Anonymous said…
bilib ako sa inyo kung paano nyo nama-manage magluto ng ganyan karami. tips naman po, hehe. happy bday to your son jake.
Dennis said…
Hello!
Bale 6 dishes yung niluto in 3.5 hours....kasama na dyan yung dessert na coffee jelly. Yung isa naman yung pork hamonado niluto ko na a day before at yung sauce na lang ang inayos ko that day.

Pagpa-plano lang ang key at kung papaano mo ie-execute yung pagluluto. Also, madadali lang lutuin yung dish at timing lang talaga.

It takes time para maka-master ng ganito.

Thanks

DEnnis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy