JOLLY'S 2016 BIRTHDAY CELEBRATION

Last Sunday July 17 nag-celebrate ng kanyang kaarawan ang aking asawang si Jolly.  Good thing may nagbigay sa kanya ng free overnight stay sa Solaire Resort and Casino at July 16 nga ay nag-check-in na kami.

Yun nga lang pala walang kasamang free breakfast ang room na nakuha namin.    So sa day ng dinner pumunta pa kami ng MOA para kumain ng aming hapunan.    Hindi ko na idi-detalye ang aming dinner kung hindi itong aming kinainan ng breakfast.


Dapat sana sa room na lang kami kakain ng breakfast pero nang makita ko ang price ng home service nila ay nagbago ako ng isip.   Mahal eh.   Hehehehe.


Naisip ko na may food court nga pala ang hotel na nasa ground floor na malapit din sa casino.    Kaso nung nandun na kami, isang stall lang pa lang ang open.   Iniisip ko kung punta na lang kami ng MOA ulit o maghanap ng malapit na fastfood.



Nang madaanan namin naman itong Fresh Restaurant sa loob din ng hotel na katabi lang din ng casino, tiningnan namin kung magkano ang buffet breakfast.  P1,100 per head ito.   Kahit medyo mabigat ang presyo dito na kami kumain komo birthday naman kako ng aking mahal.    Hehehehe


Maganda yung place.   Yun agad ang napansin ko.    Sa food naman, narito ang mga kinuha ko sa buffet.

Nagumpisa ako sa mga cold cuts nila and cheeses.   Actually hindi naman ganun karami ang choices so pinil ko na lang yung sa tingin ko e masarap.

Yun nga, in my first plate kumuha ako ng cold cuts, sausages, bacon, kaunting cashew nuts, 2  kinds of cheese at isang toasted wheat bread.

In my second plate naman, sinubukan ko ang ilang piraso ng maki nila, siumai at 1 pirasong fish fillet.   Sa totoo lang hindi masarap.   Parang ordinaryong kanin lang yung ginamit sa maki at parang kulag sa flavor.   The same with siumai at yung fried fish fillet na kinuha ko.  Sorry :(


Parang nabusog na ako sa 2 plates na nakain ko kaya sinubukan ko naman yung noodles nila.   Bale pipila ng klase ng noodles na gusto mo at yung mga toppings o laman na ilalagay.   Okay na din ang lasa pero parang kulag sa sarap.


Hindi na ako naka-kuha ng iba pang dishes na nasa buffet lalo na yung Filipino favorites at yung iba pang ulam.   Kaya tinapos ko na lang ang akig pagkain with this dessert.   Pastries na may kiwi fruits at strawbery.   May fresh fruits din na kiwi, pakwan at melon.   At itong 1 slice ng walnut cake.

Nakakabusog YES.   Pero kagaya nga ng nasabi ko parang kulang sa sarap ang pagkain.  Ewan ko.   Kung tatanungin ako kung babalik pa ako dito?   Kung ililibre siguro ako.   hehehehe

Till next ;)


Comments

J Lopez said…
ano ang ibigsabihin ng MOA?
J Lopez said…
Sobrang mahal US$23.00 per head - even by US standards mahal iyan. Ang buffet breakfast dito mga US$11 to $15.00 - magandang buffet na ito. At kung senior ka, 65 plus up, nagiging US$7.50 to US$12.00

Dennis said…
Mall of Asia....
Dennis said…
Yes J mahal talaga....sa loob ng hotel kasi. Kung sa mga regular na buffet resto nasa P700 to 1000 din lang ang presyo.
Pero okay din lang...bday naman ni esmi....hehehe

Thanks J :)


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy