MENUDO with PINEAPPLE in PASTA SAUCE
Ang Menudo ang pagkain pangkaraniwan nating nakikita sa mga handaan katulad ng fiesta, kasalan, binyagan at iba lalo na sa amin sa Bulacan. Masarap naman kasi talaga ito at espesyal talaga. Sa mga carinderia ay winner din ang pang-ulam na ito. Sauce lang kasi ay ulam na ulam na.
Naisipan kong i-levelup ang love na love nating Menudo. Bukod sa pangkaraniwang lahok na inilalagay natin katulad ng carrots, patatas at red bell pepper, nilagyan ko din ito ng pineapple tidbits. Yung syrup nito ay inilagay ko din sa karne habang niluluto para magkaroon ito ng fruity flavor. Also, sa halip na tomato sauce ang aking inilagay, 3 cheese pasta sauce ang aking ginamit. Talaga namang mas sumarap pa a g masarap nang Pork menudo na paborito natin. Try nyo din po.
MENUDO with PINEAPPLE in PASTA SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes)
300 grams Pork Liver (cut into cubes)
1 large Carrot (cut into cubes)
2 large Potatoes (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
1 medium size Pineapple Tidbits (reserve the syrup)
2 cups Green Peas
1 tetra pack 3 Cheese Pasta Sauce
2 tbsp. Butter
5 cloves minced Garlic
1 large Red Onion (chopped)
2 pcs. Tomatoes (chopped)
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter.
2. Isunod na agad ang hiniwang karne ng baboy, tiplahan ng asin at paminta at hayaang masangkutsa.
3. Ilagay ang syrup ng pineapple tidbits at muling takpan. Hayaang maluto ang karne hanggang sa lumambot ito. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang patatas, carrots, red bell pepper at pasta sauce. Takpan muli at hayaang maluto ang mga gulay.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Ilagay na ang atay ng baboy at hayaang maluto ng mga 2 minuto.
7. Huling ilagay ang pineapple tidbits at green peas. Hayaan ng mga 2 minuto muli at saka patayin ang apoy.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments
Alam mo ba isa ito sa iniluto ko nung birthday ng anak ko, at sobrang nasarapan ang mga bisita sa putaheng ito. Salamat sa post nyo :D
Alam mo natutuwa ako kapag nakakabasa ako ng mga message na kagaya nitong sa iyo. Mas lalo tuloy akong ginaganahan na magpatuloy pa sa pagba-blog. At habang may nagme-message na kagaya mo, hindi ako hihinto sa pag-share pa ng mga nalalaman ko sa pagluluto.
Thanks again April.
Dennis