MIX FRUIT JELLY

Papalapit na talaga ang pasko.   Bukod sa mga regalo at mga damit, ang pagkain ang isa pang pinaghahandaan natin sa napaka-sayang araw na ito.    Kaya naman naisipan kong mag-post nitong dessert na ito na pwedeng-pwede para sa ating Noche Buena.

Simple lang ang dessert na ito at madali lang gawin.   Ang pinaka-key sa dessert na ito ay yung combination ng prutas na gagamitin.  At syempre dapat yung hinog na talaga.   Amg maganda dito, nagko-compliments sa isat-isa yung lasa ng mga prutas.   Hindi ko masabi kung o-okay ang fruit cocktail.   Pero para sa aking yung fresh ripe fruits ang the best sa dessert na ito.   Try nyo din po.
 

MIX FRUIT JELLY

Mga Sangkap:
1 sachet Mr. Gulaman (white or clear flavor)
5 cups Water
Sugar to taste
1 tbsp. Vanilla
Pakwan
Melon Tagalog
Honey Dew
Pinya
Manga
Papaya

Paraan ng pagluluto:
1.   Hiwain ng maliliit ang mga prutas.   Bite size is okay.
2.   Ilagay ang mga hiniwang prutas sa llanera o mga hulmahan ng isang layer lang.
3.   Magpakulo ng 5 tasang tubig sa kaserola.
4.   Tunawin ang Mr. gulaman sa 1 tasang tubig.
5.   Ihalo ito sa kumukulong tubig at ilagay na din ang asukal at vanilla.   Halu-haluin para maalis ang mapupuo.
6.   Tikman at i-adjust ang tamis.
7.   Isalin ang nilutong gulaman sa mga ginawang hulmahan na may prutas.
8.   Palamigin bago i-chill sa fridge.

Ihain na medyo malamig.   Maaari ding lagyan ng cream o evaporated milk sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy