MANGO PINEAPPLE and GELO SALAD


Nitong nakaraang panahon ng Pasko, may natanggap akong basket ng grocery na may lamang mga canned goods at mga gamit na pang-noche buena.   Mayroong pang-spaghetti at mayroon ding pang-fruit salad.  Unti-unti ay nagamit ko naman ang mga ito at ang huli at natira nga ay itong 2 small bottle ng nata de coco at kaong.

Isa lang ang nasa isip ko na pwedeng gawin sa mga ito, ang gawin ngang panghimagas o salad.   Wala namang espesyal na okasyon pero komo laging naghahanap ng dessert ang mga anak ko after nila kumain, kaya ginawa ko ito.   Hehehe

Actually, hindi ang nata de coco at kaong ang bida sa dessert na ito na ginawa ko.   Ang bida dito ay ang hinog na mangga at pinya.   Yes fresh na mangga at pinya sa halip na fruit cocktail ang ginamit ko sa salad na ito.   At para makadagdag pa ng texture at flavor sa kabuuan, nilagyan ko pa ito ng pandan flavored na gulaman.   Ang resulta, layer and layer of goodness mula sa magkakaibang mga sangkap.   Try nyo din.


MANGO PINEAPPLE and GELO SALAD

Mga Sangkap:
3 pcs. Hinog na Mangga (kuhanin ang laman at hiwain ng pa-cubes)
1 medium size Hinog na Pinya (piliin yung matamis, balatan at hiwain na pa-cubes din)
2 cups Nata De Coco
2 cups Kaong
1 sachet Mr. Gulamaan (Green color)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 cup Condensed Milk
1 tsp. Pandan Extract
1 cup Sugar

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang sauce pan o kaserola tunawin ang gulaman sa 4 tasang tubig.   Isalang ito sa apoy hanggang sa malusaw at maluto ang gulaman.   Ilagay na din ang pandan extract at 1 cup na asukal.   Haluin mabuti.   Hanguin sa isang llanera o square na hulmahan.   Palamigin.   Kung malamig na hiwain ito na pa-cube na kasing laki ng mangga o pinya.   Ilagay sa isang bowl.
2.   Ilagay na din sa bowl ang natira pang mga sangkap.   Hinog na mangga, pinya, kaong, nata de coco, all purpose cream at condensed milk.   Haluing mabuti.
3.   I-chill muna sa fridge bago i-serve.

Enjoy!!!!



-->







Comments

Dennis said…
Oo nga pinkcookies.....masarap ito kung chilled..tamang-tama sa mainit na panahon...hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy