BRAISED CHICKEN in PINEAPPLE and MANGO
Hindi na bago sa atin ang paglalagay ng prutas sa ating mga lutuin lalo na sa mga pang-ulam na dish. Pangkaraniwang nilalagay natin ay ang pinya o mangga komo marami nito sa ating paligid. Ako, madalas pinya ang ginagamit ko, fresh man o yung nasa lata. Na-try ko na din na gumamit ng fresh oranges sa mga niluluto ko.
This time, sinubukan kong pagsamahin ang pinya at mangga sa isang chicken dish na ito. Komo nga mainit ang panahon ngayon at pahirap ang magtagal sa harap ng kalan, ito ang naisip kong gawin sa 1 kilo ng chicken legs na nabili ko. Simple lang ang paraan ng pagluluto at mga sangkap pero wag ka, ang sarap ang finish product nito. Try nyo din po.
BRAISED CHICKEN in PINEAPPLE and MANGO
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Legs (cut into 2)
1 small can Crush Pineapple
2 pcs. Ripe Mango (hiwain ng maliliit)
2 tbsp. Brown Sugar
3 tbsp. Soy Sauce
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ng walang mantika ang manok hanggang sa mag-brown lang ng konti ang magkabilang side nito.
3. Isalin ang manok sa isang heavy bottom na kaserola at ilagay ang lahat ng mga sangkap. Lagyan ng mga 1 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto sa loob ng 30 to 40 minutes. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
5. Maaring hanguin na kung kkaunti na ang sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments